Tanging ilog na namamaybay
Sa ating bayan ng Calapan Yamang tubig, nagbibigay buhay Daloy nitoy nagsisilbing gabay. Isda ay hitik sa rami Sa bingwit mo ay kakapit Linaw ng tubig ’yong salamin Simoy ng hangin nanamnamin. Nguni’t pagdaan ng panahon Ilog ay tila nalipasan Nang pagtingin at kalinga Silbi’t yaman, nangawala. Maburak at masukal Tubig di na masillayan, Basura’y lulutang-lutang Samyo’y hangin na kay sangsang. Bungad dating siyang daan Tungo sa dagat ng kalawaan Naging makipot , hirap maraanan Dahil sa burak bangka’y di maisagwan. Sa kabilang dako, noo’y pipisikan Ngayo’y hawan, naging tirahan Kadlua’t pugad ng yamang tubig Naisang tabi, silbi’y nakalimutan. Nawa’y muling bigyang buhay Ilog Ipa ay pagyamanin Lamang ilog, daloy ng tubig Sariwang simoy, manumbalik. Taong bayan sana’y turuan Pagmamahal sa kalikasan Pagtataguyod ng likas-yaman, Obligasyon ng sambayanan.
0 Comments
Leave a Reply. |
AuthorA mother, an aunt, a sister and a friend, they embody Archives
February 2014
Categories
All
|